Abante Tonite Interactive

Hirit ni Sen. Joel: Mas marami pang trabaho, likhain

1,589

Mas maraming trabaho ang kailangan pang gawin ng gobyerno upang mabawasan pa ang unemployment at underemployment sa bansa.

Ito ang binigyan-diin ni Senador Joel Villa­nueva kasabay ng pagmamalaki sa resulta ng 2018 Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority kung saan lumitaw na tumaas ang employment rate ng bansa sa 94.7% noong Enero kumpara sa 93.4% noong 2017.

“The results of the survey show that increasing employment opportunities in the country is doable. The 1.3% increase of the employment rate from last year is most especially welcome, since our advocacy has been to improve job opportunities for Filipinos,” saad ni Villanueva.

Abante Hiring – IT dep

Idinagdag pa ng chairman ng Senate committee on labor, employment, and human resources development na sa 2.4 million net employment na naibigay noong Enero, 841,000 sa ilalim ng agriculture sector, 719,000 sa industry sector na karamihan ay sa construction na may 424,000 na trabaho at 269,000 sa manufacturing habang 847,000 na trabaho sa services sector.

Bumaba rin ang unemployment rate na naitala sa 5.3% mula sa 6.6% noong Enero 2017.

Gayunman, tumaas naman anya ang underemployment rate sa 18% mula sa 16.3%.

“The 1.7% increase in the underemployment rate shows that there is so much more that needs to be done to improve the quality of jobs to meet the needs of our citizens,” giit ni Villanueva.

Ito naman anya ang layon ng Senate Bill 1431 o Proposed Tulong Trabaho Act na pasado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado at magsusulong ng mga libreng tech-voc training upang iangat ang kakayahan ng mga Pinoy na ayaw nang magkolehiyo.

“We hope that our counterpart in the House of Representatives will soon pass a similar measure which will address job-skills mismatch and ­guarantee decent jobs for every Filipino,” dagdag ng mambabatas.(Dang Samson-Garcia)