Abante Tonite Interactive

Hirit ni Sister Fox na manatili sa PH tinabla ng BI

By
333

Hindi pinagbigyan ng Bureau of Immigration (BI) ang apela ni Australian Missionary Sister Patricia Fox na hindi ituloy ang pagpapa-deport sa kanya.

Sinabi ni BI Deputy Commissioner Mark Red Mariñas na napagdesisyunan ang motion for reconsideration ni Sister Fox sa deportation case nito lang Agosto 24.

Pero maaari pa ­naman aniyang iakyat ni Sister Fox ang kanyang apela sa Department of Justice (DOJ).

Partikular na ina­akusahan si Sister Pat ng paglabag sa Section 37 ng Philippine Immigration Act of 1940 na nagbabawal sa mga dayuhang turista na makilahok sa alinmang politikal na aktibidad sa Pi­lipinas.

Pero sa kanyang kontra-salaysay, bagama’t inamin ni Sister Pat na siya ay sumali sa mga rally at pagtitipon ng mga magsasaka at ng mga manggagawa, ito ay bahagi ng kanyang missionary work.

Giit pa ni Sister Pat, ang Bill of Rights sa 1987 Constitution na kumikilala sa freedom of religion, freedom of speech at freedom of expression ay hindi ­lamang limitado sa mga Filipino kundi ipinaiiral din sa mga dayuhan sang-ayon sa mga naunang desisyon ng Korte Suprema.