Abante Tonite Interactive

Hirit sa gobyerno: Mahihirap bigyan ng face mask

446

Nanawagan ang isang grupo ng mga mangingisda na mamahagi ng libreng face mask sa mahihirap ang pamahalaan matapos nitong ipag-utos na kailangan na ng lahat ng taong lalabas ng bahay na mag-suot nito.

Sabi ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas o Pamalakaya, ang bagong kautusan na pagsusuot ng face mask ng lahat ay maaaring maubuso ng ilang awtoridad at lalo lang maaapi ang mga walang kalaban-laban na mahihirap na walang pambili ng face mask o walang kakayanan para gumawa nito.

Imbes na parusahan at pahirapan ang mga tao, dapat sila turuan at bigyan ng kakayanang sumunod sa kautusan.

“The government should carry out free mask distribution as part of its preventive measure against the spread of the virus,” sabi ni Pamalakaya national chairperson Fernando Hicap.

Nauna nang nanawagan ang Anakpawis party-list group sa pamahalaan na mamigay ng face mask sa mahihirap, isang hakbang na madaling gawin para maawat ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa. (Eileen Mencias)

Tonite – Wendys Inhouse Ad