Abante Tonite Interactive

Hiro naghubo’t hubad kay JC

0 479

Nasa bansa ang 2014 Miss Universe Japan first runner-up na si Hiro Nishiuchi. Masaya niyang ikinuwento ang pagbabago ng Boracay nang mamasyal siya.

Family oriented daw ngayon ang Boracay, mag-i-enjoy ang mga bata sa dagat at hindi gaya dati na party-party sa gabi.

Si Hiro ay Japan’s Tourism Fun Ambassador. Bahagi ng kanyang adbokasiya ay ibahagi ang kagandahan ng mga lugar na napupuntahan niya sa mundo lalo na ang Pilipinas.

Bukod sa pagiging beauty queen ay aktres din si Hiro.

Kamakailan ay natapos niya ang pelikulang “Kintsugi” (Japanese for ‘May Lamat’) kasama si JC Santos.

Naikuwento niya sa amin na hubo’t hubad sila sa pelikula. Pero hindi raw niya binosohan ang katawan ni JC dahil nahihiya siya.

Tinanong din si Hiro kung good kisser si JC, mabilis niyang sagot ay ‘yes’.

Halatang kinikilig siya sa aktor kaya nagtawanan.

Happy rin si Hiro dahil ni-renew ng Department of Tourism (DOT) ang kanyang role bilang Ambassadress for Fun Philippines.

Nang dumalaw umano sa Japan si Pangulong Rodrigo Duterte kasama si Secretary Bernadette Romulo Puyat, iginawad muli kay Hiro ang kanyang role na palaganapin ang tourism ng ‘Pinas sa mga kababayan niyang Hapones. (Roldan Castro)