Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘Hitman’ ng kidnap group arestado

0 100

Nadakip ang umano’y hitman ng isang kidnap-for-ransom (KFR) group sa Caloocan City.

Ayon sa Philippine National Police-Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG), September 15 nahuli ang suspek na si Diosito Sagrada, dating miyembro ng Philippine Army. Hinihinalang sangkot siya sa grupo na iniuugnay din sa gun-for-hire at mga kaso ng pagdukot sa Metro Manila, Central Luzon at Calabarzon.

Isinilbi ng mga pulis ang warrant of arrest laban kay Sagrada sa bahay niya sa Brgy. 186 para sa kasong kidnapping with homicide na inisyu ni San Pablo City Regional Trial Court Branch 29 presiding judge Lumina Roque.

Dinala na si Sagrada sa AKG headquarters sa Camp Crame. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.