Abante Tonite Interactive

HIV testing sa mga barangay inutos ni Isko

322

Inatasan ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ang health department na magsagawa ng human immunodeficiency virus (HIV) test sa bawat barangay ng lungsod.

Bukod sa kampanya laban sa HIV na posibleng humantong sa acquired immunodeficiency syndrome (AIDS), magsasagawa rin ng kampanya kontra teenage pregnancy sa 896 barangay sa lungsod.

“We will go down to the barangays to conduct training, education and testing on HIV, for those who want to be tested,” ayon kay City Health Officer Dr. Arnold ‘Poks’ Pangan.

Dagdag nito, may 35 hanggang 40 ang naita­talang bagong kaso ng HIV infection sa bansa araw-araw. Maynila ang pangalawa sa may pinakamataas na insidente ng HIV infection sa bansa habang na­ngunguna naman ang Quezon City.

Nasa edad 15-24 ang kabataan ang may pinakamataas na bilang ng HIV infection at araw-araw ay mayroong isa na nagpopositibo sa HIV infection sa Maynila. (Juliet de Loza-Cudia)