Abante Tonite Interactive

‘Hiwa’ ni Gloria ipinasilip

By
22,638

Ipinakita ni da­ting Pangulo at ngayo’y Speaker Gloria Macapagal-Arroyo sa media ang peklat o bakas ng operasyon nito sa likurang bahagi ng katawan.

Sumailalim sa tatlong major cervical spine operation noong 2011 si Arroyo.

Patunay umano ito na nanganib ang buhay ng dating Pangulo.

Isinapubliko ni Arroyo ang kanyang pek­lat sa operasyon para ipakita na totoong nagkasakit ito at mapasinungalingan ang tsimis na gawa-gawa lang ang kanyang karamdaman.

“Nandiyan pa, nandiyan pa. Nandu’n ka (Arnold Clavio) naman sa ospital nung kakaopera ko ‘di ba? Oh so ikaw nga unang nagpakita sa buong mundo ‘yung gaano kalaki ‘yung… kahaba ‘yung operasyon sa likod,” sabi ni Arroyo kay Arnold Clavio ng GMA7.

Samantala, muling iginiit ni Arroyo na hindi siya tatakbong Prime Minister kapag naisakatuparan ang pagbabago ng Saligang Batas o Charter change (Cha-cha).

“Eh ‘yung mga nagsasabi nun, ‘yun ang gusto talagang magkaroon ng kontrobersiya. Tingnan naman ‘yung draft ng ConCom (Constitutional Commission). Hindi naman parliamentary (form of government), presidential. So ako, wala akong balak tumakbo,” giit ni Arroyo.