Abante Tonite Interactive

Hiwalayang Maris-Iñigo tinik kay Boy 2

929

Allan Diones

Hindi masagot ni Boy 2 Quizon ang tanong namin kung paano niya ipo-promote ang movie ng MarNigo ngayong break na sina Maris Racal at Iñigo Pascual.

Sa recent guesting ni Maris sa “Tonight with Boy Abunda” ay isang matagin-ting na “Yes!” ang sagot ni Maris, sabay tawa, sa tanong ni Tito Boy na, “Did Iñigo break your heart?”

Sey ng 21-anyos na Kapamilya star kay Tito Boy, okey na raw siya at past na ‘yon. Sinabi rin niyang walang third party sa nangyari sa kanila ni Iñigo.
Napangiti at napailing na lang si Boy 2 sa tanong namin dahil hindi rin daw niya alam kung anong isasagot niya.

September of last year pa sinimulan ni Dos ang movie ng MarNigo na “I’m Ellenya L.” na siya ang direktor at produced ng N2 Productions nila ni Neil Arce with Spring Films.

Last month lang daw niya natapos ang pelikula dahil walang maibigay na schedule sa kanila si Iñigo na sobrang busy at laging nasa abroad.

Hindi alam ni Dos kung kailan nag-break ang MarNigo, pero napansin daw niya na parang may nagbago sa dalawa nu’ng last shooting day nila.

Ayon sa chika ay December pa naghiwalay ang MarNigo, pero nu’ng April ay nagkasama pa ang dalawa sa US tour ng fadir ni Iñigo na si Piolo Pascual with Pokwang sa Chicago, San Diego at Las Vegas.

‘Yun ang huling post ni Maris sa Instagram na kasama si Iñigo. Mukhang okey naman silang dalawa nu’ng time na ‘yon kahit hindi na pala sila.

Si Iñigo ay ‘nilinis’ ang kanyang IG feed. 26 posts na lang ang tinira nito at wala ni isa du’n ang pic nila ni Maris.

Mukhang busy na si Iñigo sa kanyang singing career at marami itong music collab with diffe-rent artists abroad. Nasa Amerika ito ngayon at tila sinusubukan ang suwerte nito doon.

Sabi sa amin ni Dos, kailangan niyang mag-release soon sa social media ng bagong promo trailer ng “I’m Ellenya L.”

Eh ‘di sira na agad ang promo niya dahil alam ng lahat na break na ang MarNigo? Kalerks!

Hindi rin masagot ni Direk Dos kung kailan ang showing ng directorial debut niya.

Mukhang hoping sila na mapasama ito sa 2019 Pista ng Pelikulang Pilipino sa September 13 to 19.

Na-announce na ang first 3 entries sa 2019 PPP na “The Panti Sisters” na bida sina Paolo Ballesteros, Martin del Rosario at Christian Bables; “LSS (Last Song Syndrome)” na tampok ang real life sweethearts na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos; at “Cuddle Weather” na hindi namin alam ang cast.

Lima pa ang pipiliin mula sa finished film entries at wish ni Boy 2 na mapasama roon ang pelikula ng MarNigo.

Kahit hiwalay na ang mga bida niya ay kailangan pa ring mag-promote ng mga ito bago mag-showing ang pelikula.

May chance na maging awkward ang MarNigo, na may kanya-kanya nang kadramahan sa buhay ngayon samantalang dati ay swit-switan ang love team nila.

Balitang kay McCoy de Leon na ipa-partner si Maris. So, from MarNigo at McRis, ganern?

Kasi naman, September last year sinimulan ang movie, tapos ay malamang September this year ito maipalabas kung papasok sa PPP. As in one year in the making? Ano ‘toh, epic film?!

Natawa na lang si Boy 2, na wala ring magawa dahil hindi naman niya kontrolado ang buhay at career ng mga artista niya.
PAK!!

Migo nagbayad
ng ‘pampiyansa’

Habang tumatagal ay lalong nagiging lovable ang karakter ni Migo Adecer na si Jordan sa epicseryeng “Sahaya.”

Ang bait-bait nito na siya pa ang nagbayad ng pampiyansa ng lolo (Pen Medina) ni Sahaya (Bianca Umali) na wala naman talagang kasalanan sa pagsaksak sa ama (Eric Quizon) ni Jordan.

Kung masama ang fadir niya, si Jordan ay mabuting bata kaya hanga rito ang lolo ni Sahaya. Ibig sabihin ay umani siya ng mataas na pogi points doon.

Kung wala lang ang kababata ni Sahaya na si Ahmad (Miguel Tanfelix) ay bagay na bagay na talaga ang dalagang Badjaw sa binatang Manilenyo.

In all fairness ay ang ganda ng naitulong ng “Sahaya” sa career ni Migo. Bukod sa napatunayan niyang may karapatan siyang maging leading man ay naipakita niya ring marunong siyang umarte.