Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hiwalayang Sofia, Daniel dinenay ng momshie

0 99

NI: MILDRED BACUD

Matapos mapabalitang hiwalay na sina Janella Salvador at Markus Paterson, ngayon naman ay sina Sofia Andres at Daniel Miranda ang natsitsismis.

Nagsimula ang isyu nang mag-unfollow daw sa isa’t isa ang dalawa. Burado na rin daw sa IG ni Daniel ang mga larawan nila ng aktres.

Kaagad kaming nag-chat sa ina ni Sofia na si Mommy Monette . Pinabulanan niya ang nasabing isyu. Sa katunayan ay nasa Cebu daw sila ngayon. Natawa na lang si mommy at napabiro ng “Mga maritess talaga.”

Happy couple pa rin sina Sofia at Daniel kasama ng super cute nilang anak na si Zoe.

Leave A Reply

Your email address will not be published.