Abante Tonite Interactive

HK airport sarado uli, check-in counter hinarangan ng mga protester

349

Suspendido uli ang operasyon ng Hong Kong airport partikular sa lahat ng check-in counter makaraang harangan ng mga protester ang pasilidad.

Gayunman, ilang flights ang normal na dumarating at nagta-take off.

Sa pinakahuling report, walang magawa ang mga HK police ngayong okupado na ng mga pro-democracy protester ang mga Immigration counter kaya’t nahihirapang dumaaan ang mga pasahero na may naka-schedule na flight.

Pangalawang araw nang isinara ng HK airport bagama’t nabukasan ito kahapon nang umaga matapos ang unang shutdown noong Lunes.

Samantala, sa pinakahuling report, balik-operasyon na ang Philippine Airlines (PAL) sa kanilang mga flight patungong Hong Kong at pabalik ng Pilipinas kahapon.

Ayon kay PAL spokesperson Cielo Villaluna, simulang lumipad dakong alas-singko nang umaga kahapon.

Kaugnay nito, kinansela na rin ng Cathay Pacific ang kanilang mga flight mula Hongkong-Manila Hong Kong flights makaraang sumali ang mga airline worker­s sa demonstration. At ito ang mga sumusunod: CX 901 (Hong Kong-Manila);CX 919 (Hong Kong-Manila); CX 930 (Manila-Hongkong); CX 935 (Hong Kong-Manila); CX 939 (Hong Kong-Manila); CX 976 (Manila-Hong Kong). (Otto Osorio)