Abante Tonite
Mabilis sa Balita

HK cargo vessel may sabit sa banggaan – PCG

0 402

Sapat na ang report ng Philippine Coast Guard upang kasuhan at panagutin ang Chinese crew ng MV Vienna Wood N. na bumangga sa Filipino shipping vessel na Liberty 5 malapit sa Mamburan, Occidental Mindoro.

Ayon sa Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas, sinabi sa report ng PCG na hindi man lang sinubukan ng Chinese crew na sagipin ang 14 na Pilipinong mangingisda nang tumaob ang kanilang bangka ng banggain ito ng MV Vienna Wood N.

Binangga ng cargo-ship na MV Vienna Wood N ang Liberty 5 hatinggabi nung June 27 at hindi pa natatagpuan ni isa sa mga Pilipinong mangingisda hanggang ngayon.

Ayon kay Pamalakaya national chairperson Fernando Hicap, nakasaad sa PCG report na may kakayanan ang MV Vienna Wood na patungong Australia , na sagipin ang 14 na mangingisdang Pilipino ngunit iniwan lang nito sila sa laot.

Binatikos din ng Pamalakaya ang Malacanang sa pagmamaliit sa kaso nang pag-iwan sa 14 na mangingisda na isang simpleng banggaan lamang. Ayon sa grupo, inabandona at iniwan din sa ere ang mga mangingisda noon nang banggain ng Chinese ship ang F/B Gem Ver noong June 2019. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.