Abante Tonite
Mabilis sa Balita

HK cargo vessel umareglo sa binanggang PH fishing boat

0 66

Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na pinayagan nang makaalis sa kanilang kustodiya ang mga crew ng cargo vessel na M/V Vienna Wood noong Setyembre 17.

Ayon kay PCG spokesman Commodore Armand Balilo, binasura ng provincial prosecutor sa Mindoro ang kasong kriminal na isinampa laban sa Hong Kong-flagged vessel.

Ito’y matapos na magkasundo umano ang may-ari ng M/V Vienna Wood na bayaran ng tig-P1 milyon ang pamilya ng nawawalang 14 crew ng Liberty 5.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Magugunita na nangyaring ang salpukan sa pagitan ng M/V Vienna Wood at fishing boat na Liberty 5 noong Hunyo 27 ng gabi sa karagatan sa Mindoro.

Nabatid na tinapos na ng PCG ang search at retrieval operation noong Hulyo 7 kasunod nito ay sinampahan ng reklamo ang shipping company, master at mga officer ng cargo vessel.

Hindi nakaalis ang mga crew ng M/V Vienna Wood matapos na mag-isyu ng hold departure order sa kanila noong Hulyo 15. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.