Abante Tonite
Mabilis sa Balita

HK, UAE variant kalat sa ‘Pinas – mga expert

0 248

Siniwalat ng opisyal ng Philippine Genome Center (PGC) na hindi mga variant of concern ang pinakamaraming kaso sa Pilipinas kundi Hong Kong at UAE variant.

Ayon kay PGC Executive Director Dr. Cynthia Saloma, umabot na sa 4,751 COVID-19 sample ang kanilang nasuri at sa bilang na ito aniya, 4,050 ay may lineage ng mga bagong variant.

“Sa Pilipinas, naitala na natin dati pa na ang pinakamarami sa na-sequence natin are not really the variants of concern. Itong mga sinasabing Hong Kong at UAE variant, ito talaga ang marami sa ating bansa,” ani Saloma sa Laging Handa public briefing ngayong Martes.

Tatlong COVID-19 variant of concern na B.1.1.7 o UK ang nakita sa 237 kaso; B.1.351 o South Africa variant ang nakita sa 163 kaso habang P.1 o Brazil variant ang natagpuan sa isang sample.

SM food to go Banner Ad

Ang P.3 variant naman na under investigation ay nakita sa 104 kaso.

Dagdag niya, sa mga na-sequence na sample, 9.9 porsiyento lamang ang mga variant of concern.

Gayunpaman, ipinunto ni Saloma na ang UK at South Africa variant ay 50 porsiyentong mas transmissible o nakahahawa at mas mataas ang fatality rate. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.