Abante Tonite Interactive

Ho ho HOV tuloy sa EDSA!

213

Malimit nating makasabayan dati sa isang kapehan sa BGC Highstreet itong si Ginoong Jojo Garcia na siyang GM na ngayon ng MMDA.

Wala naman tayong malay na magiging bigating opisyal ito ng ahensiyang namumuno sa kaayusan ng Metro Manila lalo na sa mga lansangan nito.

Bigatin na ngayon si JG. As in mabigat ang responsibilidad ang nakaatang sa mga balikat nito sa kasalukuyan.
Katunayan, nakaatang sa mga balikat niya kung paano paluluwagin o maiibsan ang pasang-krus ng mga motoristang bumabagtas sa pinakamakasaysayang lansangan ng Pilipinas.

‘Yan ang kanyang pasang-krus sa ngayon.

Isa na rito ay paano ipatutupad ang tinaguriang high-occupancy vehicle o HOV project ng MMDA na nagbabawal sa EDSA ang ‘di seating capacity o driver lamang ang lulan ng isang sasakyan kung rush hours dito.

Ang rush hours ay mula alas-siyete nang umaga hanggang 10am. Ganu’n din sa gabi mula alas-sais hanggang 9pm.
Paliwanag pa ni JG, hindi lamang makakatipid at makakabawas ng sasakyan sa EDSA kung susuportahan ang HOV kundi pati na ang kalikasan ay mapangangalagaan.
Bakit?

Sagot ay simple. Kung aalisin mo nga naman ang sinasabi ng MMDA na 70% ng mga sasakyan na driver-only ang lulan sa EDSA, aba’y 70% na bumubugang tambutso rin ang inalis mo riyan.

Kung mahigit singkuwenta porsyiento nga ang inalis riyan, aba’y tiyak na nakangiti ang Inang Kalikasan niyan.
Ito na marahil ang pinakamagandang nahukay na pananggalang ni JG sa mga kritiko ng HOV sa pangunguna ni Sen. Grace Poe.

Heto pa.

Kung mas nakararami ang makikinabang sa panukalang ito, wala rin rason kundi pati ang inyong ka-Moto ay pumabor din sa panukalang ito.

Demokrasya naman ang meron tayo kung saan ang tinig ng mayorya ay supremo, kaya nararapat sigurong pagbigyang subukan ang ideyang ito ng MMDA.