Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ho inuulan ng bisikleta

0 186

Buhos pa rin ang dating ng mga bisikleta kay dating Philippine SuperLiga (PSL) at University Athletic Association of the Philippines (UAAP) women’s beach volleyball-indoor volleyball star at television host Gretchen Ho.

Huling pinasalamatan nitong Miyerkoles ng 30-year-old, 5-foot-7, Manila native at media celebrity si Kapamilya film-television actor, singer, model, at producer Piolo Jose Nonato Pascual sa pag-donate ng 200 biskileta na ipapamahagi pa rin ng una sa mga kapuspalad habang may Covid-19.

“Huwag ka masyadong lalapit @piolo_pascual! Covid pa! At.. baka matunaw ako parang eksena lang sa pelikula.. Kasama ang bida sa totoong buhay.. Maraming, maraming salamat @piolo_pascual sa pag-donate ng 200 bikes sa #DonateABikeSaveAJob!” wika ng lumaro noon sa Petron Blaze Spikers at Ateneo Lady Eagles sa Instagram, na nagpost din ng kanilang mga larawan.

Sapul nang magka-pandemya nitong Marso sa bansa, umabot na sa 500 bikes ang naihandog ni Ho para sa mga manggagawa at nawalan ng mga trabaho. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.