Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ho singer ang peg

0 105

Singer muna ang peg ni dating volleyball star at TV host Gretchen Ho sa kanyang latest Instagram post nang kumanta ng isang classic OPM hit.

Ibinahagi ng dating Philippine SuperLiga (PSL) middle blocker sa social media Biyernes ang kanyang pag-awit ng “Umaaraw, Umuulan” ng bandang Rivermaya habang tinutugtog pa ng gitara.

Humirit naman si Pinoy singer-songwriter Rico Blanco sa comment section ng “full song pls” para sa kanya.

“Hahaha. Aaralin ko pa! Masterin ko, ” tugon naman ng dalagana patuloy ang pamamahagi ng biskleta ngayong may pandemiya sa mga nangangailangan. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.