Abante Tonite Interactive

Ho, Soriano balik volleyball

452

Balik indoor volleyball sina athlete-host Gretchen Ho at Beach Volleyball Republic founder/organizer Charo Soriano matapos maispatan sa isang video.

Ibinahagi nitong Biyernes ni BanKo Perlas Spiker Jem Ferrer ang video ng dalawang former Ateneo Lady Eagles sa UAAP na nagte-training sa gym.

Tila nagpahiwatig rin si Ferrer na: “@perlasspikers ayan naaaa @itscharosoriano @gretchenho.” Para sa Premier Volleyball League.

Nagpaskil din si Soriano sa kanyang Instagram ng larawan kasama si Ho at may caption pang “Because you can’t keep us off the court for much longer.” (Janiel Abby Toralba)