Abante Tonite Interactive

Hockey squad nilampaso ang Singapore

By
9

KUALA LUMPUR — Nakaalpas ang Phi­lippines sa mapisikal na laban sa Singapore, 7-2, para sa second straight win Martes ng gabi sa 29th Southeast Asian Games ice hockey tournament sa Empire City Arena sa Damansara Perdana.

Ayon kahapon kay national team manager Petronilo Tigaronita, na­ging casualty ng mainitang girian si Nico Cadiz na inabot ng dislocated left shoulder.

Nilunod din ng mga Filipinos ang Indonesia 12-0 sa opening match noong Lunes tungo sa pagkompronta sa host Malaysia kagabi simula sa alas-otso.

Ang Thailand ang kasalpukan ngayon ng mga Pinoy sa five-team, single-round tourney sa sports na debutante pa lang sa regional sports showcase.

Samantala, out na sa medal race ang PHL men’s at women’s football teams.

Unang bumagsak sa MP Selayang Stadium ang National Under-22 booters nang mabokya sa defending champion Thailand 2-0 tungo sa 1-3 card ng Pinoys sa Group B.

Mas masaklap ang sinapit ng Malditas na 6-0 loser sa Myanmar sa Shah Alam Sta­dium. May 1-2 card ang Filipina footballers.