Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hodge, Bolts sa final 4

0 216

Semis Game 1 sa Miyerkoles (AUF gym):
3:45 pm – TNT vs. Phoenix
6:30 pm – Ginebra vs. Meralco

Smart Clark Giga City – Natapos sa Pampanga bubble quarterfinals ang tangkang six-peat ng San Miguel Beer sa Philippine Cup.

Itinakbo ng Meralco ang dominanteng 90-68 panalo Linggo ng gabi sa Smart 5G-powered AUF gym para lusawin ang twice-to-beat ng Beermen. Finishing kick ito sa 78-71 win noong Biyernes.

Magkakaroon ng bagong import-less champion sa season na shortened ng pandemic.

Magtatagpo muli ang magkaribal na Meralco at Ginebra sa semifinals. Itinumba ng Gin Kings ang Bolts sa limang laro noong Governors Cup finals.

Wire-to-wire na hindi pinaporma ng Bolts ang Beer. Sa 6:45-minute mark ng third, nagsalansan ng 16 unanswered points ang Meralco para lumayo 69-43 bago pinabuka sa 75-48 bago natapos ang period.

May tig-14 points si best player Cliff Hodge at si Baser Amer sa Bolts. May 6 rebounds at 3 assists si Hodge, 7 boards at 3 dimes kay Amer.

Namuno ang 20 points ni Marcio Lassiter sa deposed champions.

Mula 2013-14, ngayon lang nawala sa all-Filipino Finals ang Beer.

Konsolasyon ni Arwind Santos, sa dalawang pinasok ay inekisan ang 1,000th 3-pointer made at inakbayan si Al Solis sa No. 7 ng all-time list. Pang-walong player si Santos na nakaipon nito pero nag-iisang big at pinakamatangkad sa 6-foot-4.

Ang iskor:

Meralco 90 – Hodge 14, Amer 14, Hugnatan 12, Maliksi 11, Newsome 9, Black 9, Quinto 9, Almazan 8, Jackson 2, Jamito 2, Jackson 0, Pinto 0.

San Miguel Beer 68 – Lassiter 20, Tautuaa 20, Santos 10, Ross 7, Cabagnot 6, Zamar 3, Alolino 2, Gamalinda 0, Comboy 0, Escoto 0,

Quarters: 21-11, 43-31, 75-50, 90-68. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.