Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘HOF’ asam ni Loyzaga

0 38

Marami nang naabot at nakamit na mga karangalan ang namayapang si ‘The Great Difference’ Carlos ‘Caloy’ Loyzaga.

Tampok ang paggiya sa national men’s basketball team na nag-bronze medal sa 2nd International Basketball Federation (FIBA) World Championship 1954 (tinatawag na ngayong FIBA Basketball World Cup) sa Rio de Janeiro, Brazil kung saan siya nakapasok pa sa Mythical 5, na ‘di nagagawa hanggang ngayon ng sinumang Asian.

Pero may inaasam pa si dating Philippine Basketball Association (PBA) star Ernesto ‘Joey’ Loyzaga para sa kanyang pinakamamamahal na amang namatay noong January 27, 2016, sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City makaraang ma-stroke sa Australia noong 2011 bago magbalikbayan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ito ay ang dalangin niyang masama ang ama sa Hall of Fame saan man sa Naismith Memorial Basketball Hall of Fame, FIBA HOF o FIBA-Asia HOF.

Isama na ang pagiging miyembro ng PH quintet na nag-gold sa apat na Asian Games at dalawa pa sa Asian Basketball Confederation (ABC) Championship (FIBA Asia Cup na), deserving at long overdue sa pananaw kop o para sa nasabing award si King Caloy.

Leave A Reply

Your email address will not be published.