Abante Tonite Interactive

Holen bumaon sa ulo ng paslit

473

Todas ang isang 5-anyos na totoy nang bumaon ang holen sa ulo nito makaraang aksidenteng mabaril ng kanyang pinsan gamit ang ‘holen gun’.

Saad ni Police Lt. Colonel Ebrahim Jambiran, nangyari ang aksidente, Huwebes nang hapon, sa Barangay Gumagadong-Calawag sa Maguindanao.

Hindi umano napansin ng pinsan na nakalabit na nito ang gatilyo ng improvised pipe gun na may balang holen at dito tinamaan sa ulo ang paslit.

Sinubukan pang isalba ang biktima ngunit dineklarang dead-on-arrival sa isang ospital sa Cotabato.

Nasa kustodiya na ng Municipal Social Welfare Office ang suspek para masuri. (Ray Mark Patriarca)