Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Holiday bumida vs Grizzlies

0 298

Katiting na 2 seconds na lang sa orasan, mula sa baseline nasilip ni Jrue Holiday ang basket at pinakawalan ang jumper na nagtulak sa Milwaukee Bucks sa manipis na 112-111 panalo laban sa Memphis Grizzlies sa 75th NBA regular season game sa FedEx Forum sa Tennessee Huwebes ng gabi.

Nagkaroon ng huling tsansa ang Grizzlies pero humalik lang sa bibig ng rim ang 3-pointer ni rookie Desmond Bane upang umangat ang winning team sa 22-14 slate at ang biktima’y bumalabag sa 16-16.

Related Posts

Kinapos ng dalawang assists para sa triple-double si Giannis Antetokounmpo sa isinumiteng 26 points, 11 rebounds para sa Bucks. Double-double din ang partner niyang si Khris Middleton sa 22 markers at 10 boards, tumapos ng tig-15 sina Holiday at Pat Connaughton.

Ikinalat ni Ja Morant sa second half ang 28 sa kanyang 35 points para pangunahan ang Memphis. Umayuda ng 23 points si Dillon Brooks, 13 points at 12 rebounds kay Jonas Valanciunas.(Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.