Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Holiday panira sa negosyo – Villar

0 275

Kung si Senador Cynthia Villar ang tatanungin, ayaw niyang magkaroon ng maraming non-working holiday sa bansa dahil nakasisira umano ito sa negosyo at ekonomiya.

“`Pag lahat dineclare natin na non-working holiday, katakot-takot ang non-working holiday natin sa Philippines and that will destroy also the business, the economic condition of the Philippines,” pahayag ni Villar sa pagdinig ng Senate committee on local government sa mga panukala tungkol sa local holiday.

Iginiit pa ni Villar na mas gugustuhin niya ang magkaroon lang ng working holiday sa halip na non-working holiday. Sa working holiday aniya, ang gobyerno lang ang nagdiriwang at ang mga kawani ay maaaring magtrabaho at mag-celebrate sa kanilang local government.

SM food to go Banner Ad

“Kasi `yong mga government employees naman, even if they are working, they can celebrate, they dont have to go to their offices. They can celebrate with the local government. `Yon lang ang opinion ko dyan, “ dagdag nito.

Kung dadagdagan naman aniya ang bilang ng non-working holiday, may negatibong epekto ito sa negosyo kanilang ang mga employer na kailangang magbayad ng dagdag na 30% sa empleyado na papasok ng araw na iyon.

“`Yong padamihing masyado `yong non-working holiday, that’s detrimental. Baka puro na tayo non-working holiday all-year-round,” ayon kay Villar. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.