Abante Tonite Interactive

HOLLYWOOD Chris Martin hiniwalayan si Dakota Johnson

423

Balitang tinuldukan na ng magkasintahan na sina Coldplay rocker Chris Martin at Fifty Shades star Dakota Johnson ang kanilang dalawang taong pagmamahalan.

Ayon sa balita, si Martin ang nakipaghiwalay sa aktres. Ilang buwan na raw nilang pinagtatalunan ang pagkakaroon ng anak. Hindi pa raw kasi handang magkaroon ng baby ang aktres.

Kasunod nito ay hindi raw nagustuhan ni Dakota ang nakarating sa kanyang usap-usapan. Ipinamamalita raw ni Martin sa kaniyang mga kaibigan na single siyang muli at noong nakaraang buwan ay naghiwalay na sila ng American actress.

“There was talk of engagement but now he says they have gone their separate ways, which has come as a real surprise to everyone,”saad ng isa sa malalapit na kaibigan ng Coldplay rocker.

“Chris and Dakota were very easygoing and always seemed really happy together,” dagdag pa nito.

Si Chris ay may dalawang anak na sa kanyang dating asawa na si Gwyneth Paltrow – anak na babae na si Apple, 14, at Moses, 12.

Huling namataan na magkasama sina Chris at Dakota noong Nobyembre ng nakaraang taon.

Noong 2017 ay kumalat ang usap-usapang magkarelasyon na ang dalawa.
Gayunpaman, ang mga plano ni Chris ay gumuho. Nawalang saysay dahil hindi pa handa si Dakota na iwan ang kanyang career. Marami pa siyang gustong gawin at wala pa sa plano niya ang pagkakaroon ng supling. (Lourdes Fabian)