Abante Tonite Interactive

Home Remedies for Dandruff

By
28

* Apple cider vinegar — I-mix ang apple cider vinegar at tubig in equal amount at ipahid sa anit. ­Ibabad hanggang 20-30 minuto at saka ito banlawan.

* Baking soda — Ihalo ito sa iyong paboritong shampoo at ito ang gamitin.

* Bawang — Dikdikin ang isang clove, ihalo sa tubig at saka ipahid sa anit. Makaraan ang ilang minuto, hugasan ito gamit ang shampoo. Maaaring maglagay ng honey o luya sa mixture para mabawasan ang amoy-bawang.

* Aloe vera — Kuhanin ang extract ng aloe vera at ilagay diretso sa anit. Imasahe ang ulo at pagkaraan saka hugasan gamit ang shampoo.

* Egg yolk — Siguruhing tuyo ang buhok. ­Ilagay ang dalawang egg yolk sa anit, imasahe ang buong ulo at pagkaraan ay balutin ng plastic bag. Ibabad ito hanggang isang oras at saka hugasan gamit ang shampoo.

* Coconut oil — Maglagay ng limang kutsarang coconut oil sa kamay, ilagay ito sa anit at imasahe ang buong ulo. Ibabad ito hanggang isang oras at saka hugasan gamit ang shampoo.

* Lemon o Kalamansi — Pigain ang lemon o kalamansi para makuha ang katas at ilagay sa anit. Imasahe ang ulo. Banlawan gamit ang tubig. Gawin ito sa loob ng isang linggo.

* Aspirin — Durugin ang aspirin at imasahe ito sa ulo. Maaari mo ring ihalo ang durog na aspirin (powdered) sa iyong regular shampoo. Ibabad ito ng 2-3 minuto bago banlawan.