Abante Tonite
Mabilis sa Balita

`Home service’ sa COVID test aprub sa DOH

0 93

Pabor ang Department of Health (DOH) sa `remote collection’ ng specimen sa bahay ng mga hinihinalang may coronavirus disease 2019.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang `home service’ na pagkolekta ng mga specimen sa bahay ay maaari lang isagawa ng mga lisensiyadong laboratoryo para sa COVID-19 testing.

“Parang extension nila ito, pwede silang mag-provide ng home service pero may mga condition or requirement,” wika ni Vergeire sa isang panayam.

“Kailangan, ‘yung process is of quality, ganun pa rin po sa ginagawa natin, the same with the laboratories. They should be wearing PPEs (personal protective equipment) and they should be notifying the Department of Health when they are going to offer this kind of service so we can monitor them,” dagdag niya. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.