Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘Hometown Cha-cha-cha’ nilusob ng mga fan

0 121

Karaniwan na sa Korean drama na kapag naghi-hit ang location ng taping nila ay tila nagiging isang tourist destination.

Talagang hinahanap ito at dinadayo ng mga naging fan ng drama.

Kung sa labas man ito ng Seoul, pupuntahan pa rin. Hindi lang ng mga Korean citizen, maging ng mga turista mula sa iba’t-ibang bansa.

At kahit na may pandemic pa, hindi ito naging hadlang para sa mga fan ng hit drama nna “Hometown Cha-cha-cha” .Pinagbibidahan ito nina Kim Seon Ho at Shin Min Ah.

Sa Pohang ang location ng drama .May kulang apat na oras din ang land trip mula Seoul . Nakikita nga namin sa social media ang ilan sa mga fan na nagpo-post ng mga picture nila na nasa location.

Dahil dito, nakiusap ang mismong mga producer ng Hometown Cha-cha-cha sa mga fan ng drama. Ang dahilan, sobrang naaabala at naiistorbo na raw ang totoong mga may-ari ng bahay na ginamit nilang location. Kung talagang gusto raw dumalaw, ‘wag lang naman daw pumasok pa hanggang sa loob ng mga bahay. Ipinaliwanag nito na nirentahan lang nila ito habang nagpi-filming ang mga karakter, pero may totoo talagang nagmamay-ari at nakatira.

Partida na pandemic pa at hindi pa talaga nakakapag-tourist tulad dati ang mga international fans.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Narito ang pakiusap ng mga producer ng drama na ni-release ng tvN.

“Hello. This is the “Hometown Cha-Cha-Cha” production team.

“We would like to thank our viewers for giving us so much love, and we would like to make one request regarding visits to our filming location.

“Hye Jin’s house, Doo Shik’s house, Gam Ri’s house, and Cho Hee’s house in the drama are spaces that we leased for filming purposes for the duration of our shoot, and at the moment, their owners are currently residing in those homes.

“They helped our drama out with good intentions, but they are currently suffering disturbances to their everyday lives because of visitors. For the reason described above, when you visit our filming location, we ask that you refrain from entering these houses.

“Out of consideration for people who want to experience the afterglow of the drama, the city of Pohang will be keeping the squid statue at Cheongha Market and the boat at Sabang Memorial Park even after the end of filming.

“Once again, we thank you for giving your love to “Hometown Cha-Cha-Cha.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.