Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Homicide vs 2 doktor sa natsuging utol ni gob

0 437

Dalawang doktor ang lilitisin ng hukuman dahil sa umano’y medical negligence sa pagkamatay ng batang kapatid na lalaki ni Cebu Gov. Gwen Garcia noong Setyembre ng nakaraang taon.

Sa 34-pahinang resolusyon na may petsang March 1, nakitaan ng Cebu City Prosecutor’s office na may ‘probable cause’ upang kasuhan ng reckless imprudence resulting to homicide sina Dr. Elfleda Hernandez at Dr. Yvonne Bettina Montejo sa pagkamatay ni dating Barili town mayor Marlon Garcia.

“Verily, the causation of death as having been admitted as hospital-acquired bacterial infection lends credence to the complainant’s allegation that there was lack of standard care expected of the attending physicians,” batay sa court resolution na pinirmahan ni Asst. City Prosecutor Verna Merelos at inaprubahan ni City Prosecutor Liceria Lofranco-Rabillas.

Ang batang Garcia ay namatay noong Sept. 6, 2020 dahil umano sa “septic shock secondary to catheter related blood stream infection, ventilator associated pneumonia,” na nangyari matapos itong gumaling sa COVID-19 habang naka-confine sa Chong Hua Hospital sa Cebu.

Ang desisyon ng korte para litisin ang dalawang doktor ay base na rin sa naging testimonya ni Yale University infectious diseases specialist Dr. Ravi Durvasula.

Ayon kay Durvasula, ang development ng catheter-associated bacterem sa katawan ni Marlon at ang agarang nitong pagkamatay ay ikinukunsiderang ‘red flag’ ng hospital care.

“Though initial treatment of COVID-19 pneumonia and vascular complications was appropriate and protocol-driven, subsequent care deviated from acceptable standards of medical documentation, laboratory investigations and infection control,” giit ni Durvasula.

Mariin namang itinanggi nina Hernandez at Montejo ang alegasyong kapabayaan, at sinisi ang pamilya Garcia sa pagtangging isagawa ang mga medical procedures na kailangan dahil nasa gitna ng critical stage ang kanilang pasyente.

“They were not able to immediately administer the planned treatment and procedure at the time when its intervention was crucial,” paliwanag ni Montejo.

Sinabi naman ni Hernandez na ang batang Garcia ay naghihirap sa comorbidities gaya ng obesity, hypertension, at obstructive sleep apnea. Bukod pa sa nadiskubre nilang naninigarilyo ito ng 10 packs kada araw.

Ayon naman sa Philippine Food and Drug Administration (FDA) inaprubahan nila ang paggamit ng traditional Chinese medicine Lianhua Qingwen pero hindi para sa COVID-19 treatment.

Nagpahayag naman ng suporta ang Philippine College of Physicians Central Visayas Chapter sa dalawang doktor. “We stand in solidarity with our colleagues and all frontliners. Our enemy is COVID-19,” anang grupo. (Dolly B. Cabreza/Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.