Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Honda Accord, City palyado

0 538

Ipina-recall ng Honda Cars Philippines Inc. (HCPI) ang 10,863 unit nito sa bansa para mapalitan ang mga fuel pump.

Sa liham kay Department of Trade and Industry (DTI) Undersecretary Ruth Castelo, sakop ng recall ang karamihan sa mga modelo na binenta ng Honda, kabilang dito ang Accord, BR-V, City, Civic, Civic Type-R, CR-V, HR-V, Jazz at Mobilio.

Pinakamaraming pina-recall ang Honda City na 5,100 unit ang papalitan ng fuel pump, kasunod ang BR-V na nasa 3,094 unit ang apektado.

Sabi ni HCPI Administration Division head Vicenta Balarbar, maaaring tumirik ang sasakyan kung pumalya ang fuel pump.

Humingi ng paumanhin ang HCPI at sinabing wala pa namang nangyaring aksidente sa Pilipinas dahil dito.

Dagdag ni Balarbar, libreng papalitan sa 37 authorized Honda Dealers and Service Center sa buong bansa ang mga fuel pump at dalawang oras lamang ang gugugulin para gawin ito.

Noong Marso lang ay pina-recall din ng Toyota Motor Philippines Corp. ang nasa 47,505 units ng mga sasakyang binenta nito kung saan fuel pump din ang apektado. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.