Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Honest mistake’ sa turukan?

0 164

Biglang napaisip ngayon mga tropapips ang ilan nating kurimaw na nagpaturok na ng COVID-19 vaccine kung talaga nga kayang naturukan sila ng gamot na panlaban sa virus na unang nanggaling sa China.

Napaisip ang mga kurimaw natin dahil sa lumabas na video ng isang nagpabakuna sa Makati City. Sa naturang video, nakita na hindi piniga ng nurse na nagtuturok ang hiringgilya na nakatusok sa braso niya para pumasok sa kaniyang katawan ang gamot.

Pagkatusok kasi ng karayom sa braso, kumuha na agad ang nurse ng band aid, at inalis na ang hiringgilya nang hindi napipiga ang gamot.

Paliwanag ni Makati Mayor Abby Binay, “honest mistake” at “human error” daw ang nangyari at kaagad naman daw naayos ang pagkakamali dahil nabakunahan na rin daw ang taong lumitaw na “wow mali” sa turukan.

Ang malaking tanong ng mga kurimaw natin, ilan kaya ang may ganitong insidente sa bakunahan kahit pa sinasabing hindi iyon sinasadya?

Hindi maaalis mga tropapips na may mga matataba ang utak na mag-iisip na hindi kaya iyon “modus” na sadyang hindi piniga ang hiringgilya para maiwan ang gamot sa bakuna at gagamitin o ibebenta sa iba?

Tanong nga ng isang kurimaw natin, ano raw kayang brand ng vaccine ang ginamit sa video? Kung Pfizer, puwede raw paghinalaan na baka may ibang gustong umarbor ng bakuna dahil galing “west” na sinasabing mas mabisa laban sa COVID kumpara sa Sinovac ng China.

Si Binay, ang bilis naman na humirit na huwag nang “pulitikahin” ang insidente. Bakit kaya niya naisip na gagamitin sa politika ang pagkakamali ng nurse na “volunteer” lang umano.

SM food to go Banner Ad

Kung hindi nag-video ang taong nagpabakuna, hindi niya malalaman na wala palang gamot kontra-COVID ang pumasok sa katawan niya. At kung mabigyan man siya ng second dose sa susunod, lalabas na isang dose lang ang nasa katawan niya.

Ang mangyayari, nasa 50 percent lang ang proteksiyon niya sa katawan. Pero dahil akala niya ay 100 percent protected siya sa COVID, magiging matapang na siyang mag-alis ng face mask. Tapos mamalasin siyang mahawahan pa rin ng virus, at kung mamalasin pa lalo, baka maospital siya, o matepok.

Kaya nga napapatanong ang ilan nating kurimaw na hindi nakatingin sa hiringgilya nang magpaturok sila ng COVID vaccine–pinisil kaya ng nurse o duktor ang gamot para pumasok sa katawan nila o nagkaroon

din ng “honest mistake?”

Ang Department of Health, dapat magsagawa ng masusing imbestigasyon sa nangyari. At kung lilitaw na may bahid ng posibilidad na nagkaroon talaga ng iregularidad at sinadya na huwag ibigay ang gamot sa babakunahan para ibigay o ibenta sa ibang tao, aba’y dapat na malaman kung gaanoiyon kalawak para magawan agad ng remedyo.

Ang pangamba kasi ng ilan nating kurimaw, baka sa kagustuhan ng DOH na protektahan ang programa ng pamahalaan sa pagbabakuna, baka sabihin nilang walang iregularidad na nangyari kahit mayroon. Kung ganon ang mangyayari, kawawa ang mga ibang “biktima” na tinusok lang pala ng karayom pero walang gamot na pumasok sa katawan.

Bukod pala sa Makati, may katulad na kaso rin na nangyari sa Mandaluyong at Las Pinas. Kaya sana mapapatanong ka rin talaga na gaano kaya karaming “honest mistake” ang nangyari?

Ang dapat gawin ngayon ng mga magpapabakuna, i-video at mag-picture sila habang tinuturukan para makita nila kung talagang bakunado na sila. Mahirap na, baka panay ang post nila sa social media ng picture na “vaccinated” pero yung pala eh “tusok-cated” lang sila pala sila. Laging tandaan: “Bata mo ‘ko at Ako ang Spy n’yo.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.