Abante Tonite Interactive

Honeylet takot ipaopera si Digong

By
2,272

Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na hanggang ngayon ay iniinda pa rin niya ang tinamong aksidente sa motorsiklo kahit ilang taon na itong nangyari.

Sinabi ng Pangulo na madalas siyang nakakaramdam ng “perpetual pain” dahil sa pinsala sa kanyang likod.

Hindi naman aniya uubrang palaging gumamit ng painkiller kaya kalaunan ay nasanay na ito na tiisin ang sakit.

“Yung disgrasya ng motor. I have a C4 and C7 na nag-impinge. That’s why I am in perpetual pain. On any day, it’s 7 in a scale of 10. Eh ayaw na ng doktor na sige ng painkiller, sabi niya, ‘you better come to terms with your body,” anang Pangulo.

Ayaw aniya ng kanyang partner na si Honeylet na magpaopera pa ito ulit dahil delikado lalo na kapag may nagkamali sa operasyon at may maputol na ugat sa kanyang likod.

Sinabi ng Pangulo na marami na aniyang nakita ang kanyang partner na maling operasyon kaya’t ayaw nitong magpaopera ang Presidente.

“Ayaw na ng asawa ko kasi nurse. Ayaw rin niya akong paoperahan kasi nurse, marami siyang nakita na operations like that, procedures going awry. Mali mali ba,” dagdag ng Pangulo.

Idinagdag ng Presidente na panakot ng kanyang mga doktor ang posibilidad na baka may maputol na ugat kapag nagpaopera ito kaya titiisin na lamang niya ang sakit.