Abante Tonite Interactive

Honeymoon ng AshMatt binuking ng pinsan

4,806

Inaabangan ngayon ang pagre-resume ng taping ng “The Voice Teens” dahil pagbalik ni Coach Sarah Geronimo ay Mrs. Guidicelli na siya.

Tweet ni Ms. Lea Salonga, “I shall refrain from commenting on the goings-on of the last few days, except to say this: ohhhhhh the next taping days are gonna be so much fuuuuuuuun!!!!!!!”

Si Coach Apl.de.ap ay nag-tweet ng congra­tulations sa newlyweds. Si Coach Bamboo ­Mañalac ay walang tweet para sa AshMatt, pero kaabang-abang kung paano nila ­iwe-welcome nina Ms. Lea ang bagong kasal na si Sarah G.

Siguradong makakantiyawan ang wifey ni Matteo dahil sabi nga ni Lea sa isang interview, wala sa kanilang may alam na may kasalan palang magaganap nu’ng February 20.

Masaya tiyak ang mga biruan at buskahan sa taping lalo ngayong may bago silang pang-asar sa bunso nilang si Sarah, na isa nang maybahay.

Baka naman sa big wedding ay invited ang co-coaches ni Sarah sa “The Voice”.

Ang mas curious kaming malaman ay kung saan tumuloy ang AshMatt on the night of their civil wedding.

At kung saan at kailan nila planong ­mag-honeymoon (malamang after pa ito ng church wedding).

Maraming kinilig doon sa post ng isang ­female cousin ni Matteo na puwede na raw maki-sleepover ang AshMatt sa house nito.

Sa nasabing pic ay nakahiga sa couch ang pinsan ni Matty na si Mia at ang hubby nito, tapos ay ang sarap ng upo ng AshMatt na parehong nagre-rest at nakalapit ang mukha ni Matt kay Sarah na nakapikit at ang cute ng ngiti.

Ang sabi ay neighbor daw nila ang rich cousin na ‘yon ni Matteo dahil bumili rin daw ng condo unit ang AshMatt katabi ng unit nito soon after they got engaged.

Lumabas din ‘yung sinasabing proposal ­photo na pinost ng best friend ni Matt na si ­Ranvel ­Rufino, na kuha sa The Farm at San Benito.

Nakaluhod si Matty at hawak ang kaliwang kamay ni Sarah habang ang isang kamay nito ay nakatakip sa bibig nito at tila nagulat.

May mga nag-comment na ang alam nilang proposal ay sa Italy naganap nu’ng 2018 nang mag-celebrate doon ng 5th anniversary ang AshMatt.

Pero puwede rin naman daw na hindi lang isang proposal ang ginawa ni Matty, so meron abroad at meron din dito sa ‘Pinas.

Actually, halos lahat naman talaga ay na-happy sa pagpapakasal ng AshMatt, kaya hindi na namin isusulat ‘yung bago naming nasagap na hindi kagandahang chika about Mommy Divine.

Let’s all be happy and positive and spread the love na lang for AshMatt!
PAK!!

Gladys atat tumalak ala- Lolit Solis

Excited na ibinalita sa amin ni Gladys Reyes na makakasama siya sa biopic ni Mother Lily Monteverde na pagbibidahan ng BFF niyang si Judy Ann Santos.
At ang role ni Gladys ay walang iba kundi si Tita Lolit Solis, na malaking ang parte sa buhay ng Regal matriarch.

Actually, inaayos pa raw ang script pero base sa mga dayalog niya sa amin na very ­Lolit Solis ay atat na si Gladys na gampanan ang ­nasabing role.
Walang effort ito para sa kanya dahil ­kuhang-kuha niya kung paano magsalita at tumalak ang manager niyang si Tita Lolit.

“Na-excite ako dahil makakatrabaho ko ulit si Juday at lalo akong na-excite dahil Lolit Solis ang gagampanan,” natatawang sey ni Gladys, na sinampolan agad kami ng kanyang Lolit ­Solis impersonation.

Ang bongga nga pala ni Gladys at ng ­mister niyang si Christopher Roxas dahil may bago silang baby. No, hindi siya buntis kundi may bago silang ni-launch na negosyo after ng kanilang Estela restobar sa Sta. Lucia.

Meron na silang Sommereux (ang bigkas ay So-Me-Ru) catering business na ang posh ng target market dahil pang-AB ito.

Good luck on your new baby, Gladys & Chris! PAK!!!