Abante Tonite Interactive

Hongitan papana ng Olympics slot

195

Buhay pa ang 2020 Tokyo Olympics bid ng bansa sa larangan ng archery sa katauhan ni Karel Meer Hongitan.

Sumulong sa final 32 ang Pinay hawkeye sa kasagsagang 2019 World Archery Championships women’s individual recurve dvision sa Hertogenbosch, Netherlands.

Ginitla ni Hongitan ang dalawang matinding karibal na sina Melanie Gaubio ng France at World Cup mdalist Peng Chia Mao upang maging natitirang pambato ng bansa mula sa limang kinatawan nito sa kompetisyon.

Masusubukan pang lalo ang tikas ng 21-year old archer kontra 2012 London Olympics bronze winner second seed Lei Chien Ying ng Chinese Taipe upang makaakyat sa Last 16 tungong semifinals at masiguro ang pagpasok sa 2020 Tokyo Games. (Myris Lee)