Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hontiveros bet ng mga Albano, Dy sa Isabela

0 45

Muling nakasungkit ng mainit na pag-endorso si Senador Risa Hontiveros para sa kanyang muling pagtakbo sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso.

Sa kanyang pagbisita sa Isabela noong Miyerkoles, opisyal na inendorso nina Governor Rodito T. Albano III, Vice Governor Faustino G. Dy III, kasama ng mahigit kumulang na 25 mayor sa lalawigan ang kandidatura ni Hontiveros.

Inendorso rin ni Sangguniang Panlungsod Member Caesar Jaycee Dy at ng kanyang buong kapartido na tumatakbo sa 2022 elections ang kandidatura ni Hontiveros. Si Dy ay tumatakbong mayor ng Cauayan ngayong eleksyon. Gayundin, ang senadora ay binigyan ng endorso ni Tumauini Mayor Arnold Bautista at Cabagan Vice Mayor Ovie Masigan.

Sa kanyang panunungkulan bilang senador, aktibong tumutulong at sumusuporta si Hontiveros sa Isabela sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga ayuda tuwing may kalamidad katulad noong bagyong `Ulysses’.

Tumulong din si Hontiveros sa pagkakaroon ng pondo ng Southern Isabela Medical Center at ng Gov. Faustino N. Dy Sr. Medical Hospital, parehong pangunahing ospital sa nasabing lalawigan.

Dumalo rin si Hontiveros sa 14th Luzon Geographical Conference of the Philippine Association of Local Accountants, Inc. kung saan niya sinabi sa mga miyembro ang kanyang mga plataporma at adbokasiya sa kababaihan, kabataan at paglaban sa korapsyon.

Kaugnay ng kanyang “Healthy Buhay at Hanapbuhay” na adbokasiya, nagkaroon ng maraming misyong medikal si Hontiveros at nakipag-partner din siya sa mga lokal na pamahalaan upang madala ang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Worker (TUPAD) na programa ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Isabela. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.