Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hontiveros kay Duque: Magpaliwanag ka!

0 182

Tinapik at hindi umano dapat na basta na lang manahimik si Health Secretary Francis Duque III sa alegasyon ng korapsyon sa Philippine Health Insurance Corpo. (PhilHealth) dahil halos dalawang dekada itong nakaupo sa ahensya.

Ito ang sinabi ni Senadora Risa Hontiveros kaya dapat lang itong dumalo sa susunod na pagdinig ng Senate committee of the whole sa Agosto 24.

“Dapat siyang magpaliwanag dahil siya ang may institutional memory sa ahensya. Dapat alam ng lahat na maghahalos dalawang dekada na sa liderato ng PhilHealth si Sec. Duque, simula pa noong 2001,” pahayag ni Hontiveros sa virtual press conference.

Ayon kay Hontiveros, 2001 hanggang 2005, naging presidente mismo ng PhilHelath si Duque at sa panahong iyon nadiskubre ng Commission on Audit (COA) na may administrative expenses noong 2005 na nagkakahalaga ng P490 milyon.

“It was during Duque’s term as Philhealth President that “PLAN 5 MILLION” – the distribution of free PHILHEALTH cards to support the candidacy of a former President against FPJ – was conceived,” sabi ng senadora.

Noong 2005 hanggang 2009 naman na maging kalihim ng DOH at chairperson ng PhilHealth si Duque, nadiskubre din ng COA ang labis ng administrative expenses na P80 milyon noong 2008 at P200 milyon naman noong 2009. Taong 2010 hanggang 2015 naman naging chairperson siya ng Civil Service Commission at miyembro ng PhilHealth Board si Duque.

“Kaya hindi pwedeng tahimik si Sec. Duque dito sa mga alegasyon at isyu ng PhilHealth kasi halos dalawang dekada siyang nakaupo sa liderato nito,” ani Hontiveros. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.