Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hontiveros kay Parlade: Hindi dapat tinatakot babae

0 236

Hindi maginoo at kahihiyan umano sa Philippine Military Academy (PMA) ang naging pahayag ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Southern Luzon Command chief Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. tungkol kina Liza Soberano, Catriona Gray at Angel Locsin, ayon kay Senador Risa Hontiveros.

Matatandaang sa pahayag ni Parlade na ipinost sa Facebook page ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ay binalaan nito si Soberano pati na rin si Catriona Gray hinggil sa mga komunistang grupo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa pahayag ni Hontiveros nitong Sabado, sinabi nito na hindi dapat tinatakot ang mga kababaihan na nagsasalita lamang para sa kanilang kapakanan.

“Hindi dapat tinatakot ang mga kababaihan na nagsasalita para sa kanilang kapakanan, dapat pa nga tayong suportahan, ang kanyang statement ay kahihiyan sa kanyang ranggo bilang heneral at kahihiyan sa PMA,” ani Hontiveros.

“Tigilan nila ang pag-akusa nang walang katibayan. Sa ating mga kabaro ‘wag kayong matatakot dipensahan ang inyong mga sarili, sa mga lalaki nananawagan ako na respetuhin ang karapatan bilang babae at tumindig sila sa tabi natin,” dagdag niya. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.