Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hontiveros sa IATF, DOH: Ipaliwanag P9B gastos sa temporary hospital

0 152

Hiniling ni Senadora Risa Hontiveros sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) at Department of Health (DOH) na ilabas ang ulat ng P9 bilyon alokasyon para sa pagpapagawa ng makeshift hospital at isolation facility.

Kaugnay ito ng ulat ng pagkapuno ng mga ospital dahil sa patuloy ng pagtas ng kaso ng COVID-19.

Sabi ni Hontiveros, “Ubos na ba ang P9 billion kaya nasa provincial hospitals na ang mga taga-Maynila? Sobrang puno na ‘yong mga ospital natin, ginawang emergency room na ‘yong tents.”

“The P9 billion, if effectively used, is supposed to go to setting up temporary but humane and fully equipped makeshift hospitals. Filipinos shouldn’t have to watch their loved ones die, sometimes under the heat of the sun, just because hospitals are full,” dagdag nito.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon kay Hontiveros, ang P9 bilyong pondo sa ilalim ng Bayanihan 2 ay para sa pagpapatayo ng mga Temporary Treatment and Monitoring Facility (TTMF) at isolation facility sakaling mapuno na ang mga ospital ng mga pasyenteng may COVID-19.

Mahalaga aniya para sa IATF at DOH na i-upgrade ang kanilang One Hospital Command Center (OHCC), isang hotline na siyang magsasabi kung saan ospital na mayroon pang bed capacity.

“People are running from city to city while experiencing an emergency because the OHCC cannot be reached. The OHCC could have easily harnessed the capabilities of our world-class BPOs. Filipinos answer the phones when the world calls. We don’t deserve these busy signals,” ani Hontiveros.

“With the billions in funding we have available, that is nothing but another lazy copout. Every phone call they do or do not pick up can spell the difference between life and death. We have known for many months that COVID variants, if left uncontained, could overwhelm our hospitals. Why didn’t we prepare for the worst?” tanong pa nito. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.