Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hontiveros sa overpriced PPE: May ebidensiya ako!

0 119

Binuweltahan ni Senadora Risa Hontiveros Anakalusugan si Partylist Rep. Mike Defensor sa paglabas ng ebidensya sa diumano’y overpriced na pagbili ng gobyerno sa personal protective equipment (PPE) sets.

“You want evidence? Here are 11 pieces. DBM should plainly explain these contracts. Huwag nilang linlangin ang taumbayan gamit ang pagpapaikot ng maling impormasyon,” patutsada ni Hontiveros kay Defensor.

SM food to go Banner Ad

Nauna nang ibinunyag ni Hontiveros na mahigit P1 bilyon ang nawala sa pondo ng gobyerno sa ginawang pagbili ng Department of Budget Management (DBM) ng overpriced na PPEs na karamihan ay sa Chinese firm.

“Representative Mike Defensor also came out to defend DBM, claiming that what the agency procured was cheaper than that procured by the previous administration,” sabi ni Hontiveros.

Matatandaan na sinabi ni Defensor na walang basehan ang alegasyon ni Hontiveros at ginagamit lang aniyang ‘smokescreen’ para pagtakpan ang ilang aksyong ginawa ng dating administrasyon. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.