Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hontiveros sa PhilHealth exec: Bawal ‘easy exit’

0 114

Kailangan pa ring papanagutin ang iba pang mga opisyal ng Philippine Health Insurance Corp. (PHilHealth) na sangkot sa diumano’y katiwalian sa kabila ng pagbibitiw ng 43 iba pang mga opisyal, ayon kay Senador Risa Hontiveros.

“Kung totoo talaga ang layunin natin na linisin at ayusin ang PhilHealth, kailangan may hustisya,” saad ni Hontiveros sa isang statement.

“Bawal ang easy exit from justice and accountability. Kailangan may managot. Hindi free pass from accountability ang resignation letter,” dagdag pa nito.

Ayon pa sa senador, naniningil umano ang taumbayan at hindi katanggap-tanggap ang mistulang pag-tap out lang nila sa kanilang mga posisyon. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.