Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hontiveros tagumpay vs ‘pastillas’ scam

0 94

Malugod na tinanggap ni Senador Risa Hontiveros ang balitang sinampahan na ng kaso ang 19 immigration officials kaugnay sa “pastillas” scam na hinayaang iligal na pumasok ang mga Tsino sa Pilipinas.

Pinangunahan ni Hontiveros, chairperson ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations, and Gender Equality, ang mga legislative inquiry sa scam kung saan pumapasok sa bansa ang mga iligal na Chinese worker na nagpapanggap na turista kapalit ng P10,000 pampadulas para makapasok sila kahit walang wastong work visa.

Giit ng senadora, hindi pwedeng maging pugad ang bansa ng mga krimen mula sa ibang bansa na ipagpapatuloy dito sa ating sariling bansa. At hindi sapat na ilantad lang ‘yung mga gumagawa ng krimeng ito,” sabi ng senador sa ANC, Miyerkoles.

“Accountability pa rin. ‘Yung dapat managot ay dapat panagutin,” aniya pa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.