Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Horford, Celtics sinilat Bucks

0 42

Tahimik si Al Horford sa playoffs, pero sa Game 5 ng East semis nitong Lunes ay nakumpleto ng 35-year-old ang three-point play at tinalo ng Boston ang Milwaukee 116-108.

Tinapos ng and-1 play ni Horford mula sa foul ni Giannis Antetokounmpo ang 10-0 run sa dulo at ibinuhol ng Celtics ang serye sa 2-2.

“I usually just kind of go about my business,” ani Horford pagkatapos maglista ng career playoff-high 30 points. “I do get excited, but I guess you just kind of pick your spots, your moments.”

Salitan sa panalo ang magkatunggali, Game 5 sa Huwebes (araw sa Manila) sa Boston din.

Nag-deliver din si Jayson Tatum ng 30 markers, 13 rebounds, 5 assists sa Celtics.

Na-outscore ng Boston ang defending champions sa fourth 43-28 sa likod ng 16 ni Horford at 12 ni Tatum.

Nawalan ng saysay ang 34 points ni Antetokounpo 17 ni Brooke Lopea at 16 points, rebounds ni Jrue Holiday sa Bucks. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.