Abante Tonite Interactive

Horoscope 01/04/2018

401

Katrina Halili

Kaarawan: Enero 4, 1986

Mahirap siyang magtiwala sa unang pagkikita. Madalas na tinatamaan pa ng duda sa mga bagong kakilala. Pero kapag nasubukan na niya ang pagi­ging totoo ng isang kaibigan, handa niya itong tanggapin at bigyan ng tamang atensyon.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Ang inaakala mong biruan ay seryosong bagay pala. Posib­leng makasakit ng damdamin kung itutuloy ang bawal na relasyon. Mag-isip ng mabuti dahil wala itong idudulot na maganda sa iyong pagkatao. Lucky color: Brown, lucky number: 5.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – May oportunidad na darating mula sa malayong lugar. Ito na ang hinihintay na pagkakataon para makapagsimula muli. Maaari mo nang tuluyang ­iwanan ang isang mapait na nakaraan. Lucky color: White, lucky number: 51.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Isang sitwasyon sa pamilya ang hindi na puwedeng balewalain. May kinalaman ito sa isang may edad na kasama sa bahay. Makakatulong ang payo ng isang kaibigan na nagdaan na rin sa parehong sitwasyon. Lucky color: Brown, lucky number: 9.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – ­Ibigay ang simpatya sa taong patuloy na nagpapaawa. Ingat lang dahil baka masyado ka nang naa­abuso. Kung may duda sa ginagawa, itigil ito sa lalong madaling panahon. Lucky color: Blue, lucky number: 50.

Related Posts

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Isang kaibigan ang may hindi magandang binabalak. Kilalaning mabuti ang taong lumalapit sa iyo. Mahirap matanso sa akala mong kumikinang na bagay. Lucky color: Yellow, lucky number: 23.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – ­Anumang gustuhin mo ay magagawa kung pagsisikapan. Walang mawawala kung susubukan muli ang proyekto na hindi umubra. Huwag magpatalo sa takot. Labanan ito dahil ikaw ay ­tunay na magta­tagumpay. Lucky color: Gray, lucky number: 11.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) –Masyado mong inilalagay sa pedestal ang isang tao sa iyong harapan. Hangga’t maaga pa ay dapat ka nang magising. Ikaw na lang ang hindi nakakaalam sa hindi magandang background ng taong ito. Huwag maging bulag at bingi sa katotohanan. Lucky color: Violet, lucky number: 29.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Ang nararamdamang sakit ay pananda­lian ­lamang. Sadyang may dapat pagdaanan bago mo marating ang tagumpay. Makabubuting umiwas muna sa lovelife bago ito magbunga ng isang ­pagkakamali. Lucky color: Green, lucky number: 56.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – May mga balakid sa iyong landas. Pag-isipan nang husto ang mga gagawing hakbang. Hindi puwedeng daanin sa paspasan ang pagpaplano dahil malaki ang nakasalalay. Mag-isip-isip pa ng ilang araw. Lucky color: Orange, lucky number: 2.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Masyado mong pinapahirapan ang sarili mo sa hindi mo naman responsibilidad. Hindi masamang tumulong. Pero kung nakakaapekto ito sa iyong kalusugan ay isantabi muna. Walang maitutulong kung patuloy na ipi-pressure ang sarili. Lucky color: White, lucky number: 5.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – May oportunidad ngayon sa ibang career. Kayanin mo ito at piliting paghandaaan sa pamamagitan ng tamang kaalaman. Kumausap ng isang tao na may katulad ng iyong interes para sa tamang paggabay. Lucky color: Maroon, lucky number: 2.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Bibig­yan ka ng mas malaking responsibilidad sa araw na ito. Maraming tao ang sangkot kaya kailangang magpakitang-gilas. Maging considerate sa isang pakiusap. Lucky color: Gray, lucky number: 9.