Abante Tonite Interactive

Horoscope 01/05/2019

368

Bradley Cooper

Kaarawan: Enero 5, 1975

Gagawin ang lahat para makuha ang atensyon ng taong napupusuan. At madalas, nagtatagumpay sila dahil sa kanilang wagas na intension.

Bagama’t may katigasan ang ulo, hindi mahirap mahalin ang mga lalaking Capricorn dahil sa kanilang maamong perso­nalidad.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – May good news at posibleng magbigay sa iyo ng masayang araw. Isantabi muna ang mga isyung may kinalaman sa emosyon. Unahin ang isang importanteng isyu sa trabaho. Lucky color: Red, lucky number: 43.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Mas malaki ang magagawa mo kaysa sa inaakala mo. Ikaw ang nagsisilbing inspirasyon ng mga kasama kaya’t huwag panghinaan ng loob. Ang nararamdaman mong oposisyon sa mga nakaraang araw ay mananahimik ngayon. Lucky color: Orange, lucky number: 22.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – May nararamdaman kang takot sa susuunging bagong trabaho. Kung hindi ito kokontrolin, makakaapekto ito sa iyong gagawin. Suklian ng pagmamahal ang taong tunay na nagmamalakasakit sa iyo. Lucky color: Yellow, lucky number: 51.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Nara­ramdaman mong totoo ang sinasabi ng isang kaibigan. Ikonsidera ang planong pangingibang lugar. Ito ang magiging hudyat ng malaking pagbabago sa iyong buhay. Lucky color: Gray, lucky number: 43.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Kung may partner ka na sa buhay, mas lalo pang lalalim ang relasyon matapos na malagpasan ang isang malaking pagsubok. Mag-enjoy sa mga susunod na pangyayari. Itigil muna ang mga drama. Tumawa at magsaya. Lucky color: Maroon, lucky number: 8.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Pa­borableng araw ito para sa romansa. May kakaibang atensyon na matatanggap mula sa minamahal. Senyales na ito nang hinihintay na pagbabago. Dagdag inspirasyon ito sa anumang pinagsisikapan mo. Lucky color: White, lucky number: 30.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Marami paraan ng pakikipagkomunikasyon. Gawin ito para ayusin ang naging gulo. May isang kaibigan na makakatulong para matapos na ang dinadalang problema. Lucky color: Maroon, lucky number: 6.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Lahat ay umaayon sa iyong panig. Gamitin ang malaking advantage na ito para asikasuhin ang mga personal na bagay. Pakinggan ang paalala ng isang nagmamahal. Lucky color: Violet, lucky number: 4.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) –– Isang positibong mensahe ang matatanggap mula sa iyong mahal. Magpasalamat sa malaking pabor. Maging maingat sa mga taong pagsasabihan ng mga sikreto. Lucky color: Blue, lucky number: 53.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Lahat ng ginawa mong kabutihan ay masusuklian na. Ituon muna ang atensyon sa bagong trabaho. Magpakitang gilas at isantabi muna ang ibang ginagawa. Lucky color: Green, lucky number: 1.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Lalabas ang magandang mga opinyon kapag nakapahinga ang katawan at isip. Makukuha mo na ang pagkilalang matagal mo ring hinintay. Ituloy lang ang magandang performance sa trabaho. Lucky color: Gold, lucky number: 5.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Kung nag-iisip kang magsimula ng isang bagong negosyo, ngayon ang tamang araw. Bagama’t may ilang kontra, mas mabuting ituloy na rin ito. Mas madali kang makakaarangkada kung plano ang bawat gagawin. Lucky color: Violet, lucky number: 42.