Abante Tonite Interactive

Horoscope 01/06/2019

505

Sharon Cuneta
Enero 6, 1966

Simple lang ang mga babaeng Capricorm pero mga goal oriented. Hindi sila mareklamo kahit na tambakan mo ng maramign trabaho. Metikuloso sa bawat gawain dahil gusto nilang ibigay ang kanilang ‘best performance’.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Umpisahan ang gustong pagbabago. Maraming pagsubok ang parating pero malalagpasan. Kailangan mong magtiwala sa sariling kakayahan. Lucky color: Violet, lucky number: 27.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Masyado kang nasasakal sa iyong relasyon. Gawin ang anumang nararapat gawin. Hindi uubra ang palaging sunud-sunuran sa ibang tao. Lucky color: Yellow, lucky number: 45.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Abot-kamay na ang tagumpay. May mga mariri­nig na hindi magandanda sa iyong paligid pero mabuting huwag na lang ito pansisin. Siguraduhin mo lamang ang mga impormsyong hawak mo para maiwasan ang aber­ya. Lucky color: Orange, lucky number: 10.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Isang misteryosong indibidwal ang magiging sentro ng iyong atensyon. May bagong kakikiligan. I-enjoy lang ang bagong pakiramdam. Walangmawawala kung bubuksan muli ang iyong puso sa bagong pag-ibig. Lucky color: red, lucky number: 38.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Hindi ka dapat ma-guilty kung wala ka namang ginawang masama. Huwag masyadong paapekto sa drama ng ibang tao. Ituloy ang masayang buhay. Lucky color: Violet, lucky number: 9

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Siguraduhin ang iyong mga prayoridad sa buhay. Unahin ang kapaka­nan ng pamilya. Huwag nang maghangad ng mga bagay na imposibleng makamit. Ma­ging realistic. Lucky number for today: 20

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Huwag nang ungkatin ang nakaraan. Magpokus sa kasalukuyan dahil ito lamang ang daan para makamit ang mga pangarap mo sa buhay. Oras na para mag-move on sa kasawian. Lucky color: Maroon, lucky number: 30.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Isang kaibigan ang pagmumulan ng malaking isyu sa iyong buhay. Bago tulu­yang magpaapekto, balikan ang mga sinabi. May mali sa nasagap na balita. Lucky color: Blue, lucky number: 43.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Isang hindi pangkaraniwang pangyayari ang gugulat sa iyong umaga. Maging handa sa mga pagbabagong ihahatid nito. Lucky color: Black, lucky number: 3.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) –Isang espesyal na tao ang nangungulila sa iyong pagmamahal. Huwag lang mas­yadong sobrahan dahil nakakasakal ang sobrang atensyon. Lucky color: Green, lucky number: 39.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Isang kaibigan ang magiging tagapaghatid ng magandang balita. Masusubukan ngayon ang iyong pasensya ng isang taong nangungulit. Lucky color: Yellow, lucky number: 6.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Huwag kaligtaan ang kalusugan. Iwasan din munang bumili ng mga hindi naman mas­yadong kailangan. Hindi lahat ng bargain ay mapapakinabangan mo. Tipirin ang hawak na pera. Lucky color: Silver, lucky number: 50.