Abante Tonite Interactive

HOROSCOPE 01/07/19

355

Nicolas Cage
(Kaarawan: Enero 7, 1964)

Sa kabila ng pagi­ging tahimik at hindi masalita, walang ti­gil sa paggana ng isip at imahinasyon ang mga lalaking Capricorn. Hind sila natiti­gil sa isang lugar. Magpupumiglas para marating ang lugar na gusto nilang mapuntahan. Wala rin sa kanilang bokabularyo ang pahinga dahil sila ay mga workaholic.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Kakailanganin mo ang suporta ng mga kaibigan para makapagdesisyon ng tama. Hindi ito ang oras para magsikreto at magsarili. Mahirap mapasubo sa bagay na hindi mo kakayanin. Lucky color: Maroon, lucky number: 32.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Ikaw ang susi para maayos ang isang gusot. Bigyan ito ng sapat na panahon at atensiyon para sa sariling kapa­kanan. Lucky color: Blue, lucky number: 14.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Bilisan ang kilos para matapos ang ginagawa. May hatid na sorpresa ang pag­lapit sa iyo ng isang tao na matagal nang hindi nakikita. Yakapin ito nang mahigpit para maipadama ang pagmamahal. Lucky color: Yellow, lucky number: 50.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Gaano man kabigat ang ibinigay sa iyong tungkulin, magagawa mo ito nang maa­yos. Samantalahin ang magandang mood at pakiramdam. Hindi mo kaila­ngan ng distraksyon sa mga susunod na araw kaya lumayo sa negative vibes.Lucky color: Violet, lucky number: 28.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Nakikiayon ang araw na ito para malutas ang mga dinadalang problema kasama ang isyu ng pananalapi. Marami kang matatapos at dapat lamang itong ipagmalaki. Itigil muna ang pagiging emo para sumaya ang paligid. Lucky color: Maroon, lucky number: 19.

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Mas epektibong magtrabaho kung meron kang makakatulong mag-isip. Huwag munang solohin ang responsibilidad dahil hindi mo ito kakayanin. Pagbigyan ang alok na tulong. Lucky color: Brown, lucky number: 22.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Maraming nakakalat na mga gamit na kailangang iligpit. Huwag ibunton sa ibang tao ang init ng ulo. Kontrolin ang galit na walang kapupuntahan. Lucky co­lor: White, lucky number: 10.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – May isang mensahe ang magpapasaya sa iyo. Huwag katakutan ang isang pagbabagong magaganap. Ha­yaan lang lumipas ang araw na naka-relaks ka. Lucky color: Gray, lucky number: 45.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Bigyan ng panahon at atensiyon ang iyong kalusugan. Huwag balewalain ang nararamdamamang sakit o kirot sa katawan. Huwag laging trabaho ang dapat atupagin. Lucky color: White, lucky number: 14.

CAPRICORN (Disyembre 22-Ene­ro 19) – Gaano ka man ka-busy sa araw na ito ay huwag kalimutan ang responsibilidad sa pamilya. Hindi ka mauubusan ng inspirasyon. Mas mabuting maki­pag-usap sa mga taong may mahala­gang sasabihin. Lucky color: Silver, lucky number: 37.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Kailangan maging praktikal sa mga bibilhin. Mahirap magsayang dahil baka ikaw ay kapusin sa panggastos. Isang kaibigan ang mangangailangan ng iyong pag-alalay. Tulungan ito. Lucky color: Red, lucky number: 22.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Mag-iiba ang takbo ng buhay. Ang mga bagay na dating balewala sa iyo ay magiging importante. Makabubuting ayusin lahat ito tulad ng mga isyung pinansyal. Linisin ang paligid para mabawasan ang stress na dinadala. Lucky color: Yellow, lucky number: 2.