Abante Tonite Interactive

Horoscope 01/08/2020

342

Keempee de Leon
Kaarawan: Enero 8, 1973

Masayahin at madaling makuntento. Mailap nga lang siya sa mga bagay na hindi siya sigurado. Para sa kanya ang mundo ay puno ng mga taong gustong sumaya at nais magpasaya. Madali siyang magalit pero hindi mapagtanim ng sama ng loob.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18)- Hindi pa ito ang araw para makuha mo ang pinakaaasam na promosyon sa trabaho. Kakailanganin mo pang maghintay para rito. Ipagpatuloy mo lang ang magandang record na iyong nasimulan sa kabila ng mga aberya. Lucky color: Purple, lucky number: 6.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20)- Ikakabigla mo ang mababalitaan mula sa malayong lugar. Isang matagal ng kaibigan ang nakatakdang mawala nang tuluyan sa iyong buhay. Labis mo itong ikakalungkot pero daraanan lang itona parang isang panahinip. Lucky color: White, lucky number: 14.

ARIES (Marso 21-Abril 19)- Mararamdaman mo ngayon ang kagi­pitan. Maiisip mo ang mga panahon na maluwag ka at panghihinayangan ang mga dumaang pagkakataon. Maging aral sa iyo ang nangyayari para magtipid sa mga darating na araw. Lucky color: Red, lucky number: 50.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20)- Hindi mo mapipigilan ang sarili mo na humanga sa isang tao. Wala namang masama rito basta’t alam mo lang ang iyong limitasyon. May pananagutan ka na sa buhay kaya’t hanggang paghanga ka lang. Lucky color: Orange, lucky number: 16.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20)- Ikaw ang magiging sagot sa malaking problema ng isang kaibigan. Hindi man siyang direktang lumapit at magsabi sa’yo ay mararamdaman mo naman ang pa­ngangailangan niya. Laging totoo sa iyong nararamdaman. Lucky color: Blue, lucky number: 50.

Related Posts

CANCER (Hunyo 21- Hulyo 22)- Mapipilitan kang pagbigyan ang kahili­ngan ng isang kaibigan. Hindi man ikaw ang makikinabang dito ay alam mo naman na makakapagpasaya ka ng ibang tao kaya kahit pa nagdadalawang-isip ka papayag ka pa rin sa huli. Lucky co­lor: Pink, lucky number: 23.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22)- Hindi ka magpapadaig sa iyong takot na subukan ang isang bagay na matagal mo nang gustong subukan. Gagawin mo ito alang-alang sa minamahal at sa iyong sarili. Matatahimik ang kalooban kapag nailabas na ang mga sama ng loob. Lucky color: Gray, lucky number: 25.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22)- Isang mabilis na desisyon ang kailangan mong gawin. May kinalaman ito sa iyong trabaho at sa iyong kaibigan. Isang sitwasyon kung saan ka maiipit sa pagitan nila. Kailangan mong timbangin ang mas dapat mong unahin. Lucky co­lor: Blue, lucky number: 40.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22)- Isang dating kasamahan sa trabaho ang makakakrus mo ng landas nga­yon. May hatid itong good news para sa iyo. Magiging malalim ang pagkakaibi­gan na hindi ninyo nagawa noong magkasama pa kayo sa trabaho. Lucky color: Gray, lucky number: 33.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21)- Mararamdaman ng isang kamag-anak ang pag-abuso mo sa kanyang kabaitan. Itigil na ito para hindi maka­rinig ng hindi magandang salita, Kaila­ngan mong maging maingat sa pakikitungo sa kanya kung ayaw mong masira ang iyong relasyon. Lucky color: Beige, lucky number: 17.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21)- Magiging aktibo ka sa gawaing simbahan dahil sa impluwensya ng isang kaibigan. Subalit tututulan ito ng iyong mga magulang dahil hindi naman ito ang inyong relihiyon. Dito mo makikita ang hinahanap na kapayapaan. Lucky color: Pink, lucky number 29.

CAPRICORN (Disyembre 22-E­nero 19)- Magiging madali lang sa’yo na tanggapin ang iyong pagkatalo sa isang sitwasyon. Ang dahilan nito ay ang kawalan mo na ng interes sa bagay na ito. Magpahinga para bumalik ang dating sigla. Lucky color: Brown, lucky number: 19.