Abante Tonite Interactive

Horoscope 01/09/2020

439

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Bago ang ibang tao, mas pag-ukulan ng panahon ang iyong sarili. Kung mapapaganda pa ang pisikal na kaanyuan, dagdag karisma at self-confidence ito para sa iyo. Lalong higit itong kailangan ng mga single at naghahanap pa lamang ng mamahalin. Lucky color: Silver, lucky number: 16.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – May niluluto ka na namang pagbibiyahe kasama ang pamil­ya. Paghandaan itong mabuti para maramdaman ng iyong mga mahal ang mataas mong pagpapahalaga sa kanila. May magandang oportunidad para sa dagdag na kita. Lucky co­lor: O­range, lucky number: 40.

PIS­CES (Peb­rero 19-Marso 20) – Dagdag pang effort pagdating sa aspeto ng iyong career. Posib­leng may ilang a­berya na hindi maiwasan ngayon. Huwag mangamba, madali ring makakabawi sa mga susunod pang araw. Lucky color: Gray, lucky number: 40.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Malaki ang papel ng iyong partner at pamilya sa mga tagumpay na nakamit mo. Bigyan din sila ng sapat na atensyon. Sa gitna ng kaabalahan sa trabaho, ‘wag kaligtaan ang mga tunay na nagmamalasakit sa iyo. Lucky color: Red, lucky number: 30.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Mas produktibo ang araw na ito para sa iyo. Marami rin ang makakapansin sa iyong galing. Makatutulong din kung pag-uukulan ng sapat na pansin ang iyong personal appearance. Mag-ayos at magpaganda. Lucky color: Silver, lucky number: 17.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Maraming kaabalahang hatid ang isang bagong proyekto na may kinalaman sa pananalapi. May isang maliit na aberya pero hindi ito sapat para panghinaan ng loob. Ituring itong hamon at mas malayo ang iyong mararating. Lucky color: Blue, lucky bumber: 33.

Related Posts

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Marami ka pang matutulungan ngayon. At bawat positibong itinatanim mo ay dobleng positibong pangyayari ang ihahatid sa buhay mo. Mag-enjoy lamang sa mga pangyayari. Lucky color: Violet, lucky number: 44.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – May malakas na kaway o hatak ang pangingibang bayan o maaa­ring paglabas ng bansa. Kung ikokonsidera mo ito, iwasan munang maging emosyunal at sentimental. May mga bagay na dapat isakripisyo. Lucky color: Yellow, lucky number: 40.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Produktibong araw ito at mapapansin ng mga nakakataas sa iyo ang lahat ng effort na ibinubuhos mo. Ang creati­vity mo ay walang limitasyon ngayon. Samantalahin ito para maipursige ang mga matagal mo nang pinagpaplanuhan. Lucky color: Gold, lucky number: 50.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Ang iyong pamilya ang dapat maging pundasyon ng mga pagpupursige mo sa buhay. Gawin silang bahagi sa mga nakakamit na tagumpay at sandalan kung nakakaranas ng ilang kabiguan. ‘Wag isantabi ang mga taong tunay na nagmamalasakit sa iyo. Lucky color: Gold, lucky number: 44.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Sa dami ng iyong natulungan, ikaw naman ang aani ng mga pag-alalay ngayon. Hindi mo man hi­ngin ay kusang ibibigay sa iyo. Maging ang aspeto ng romansa ay pinapaboran ngayon. Lucky color: Maroon, lucky number: 11.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Anuman ang pinagkakaabalahan mo, hindi masamang pansamantalang iwan ito at pag-ukulan ng pansin ang isyung pampamilya. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay trabaho ang dapat unahin. Bigyang prayoridad ang mga mahal sa buhay. Lucky color: Maroon, lucky number: 30.