Abante Tonite Interactive

Horoscope 01/10/2018

0 277

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Malalagpa­san ang hadlang upang magawa ang gusto. Mahihirapan sa umpisa pero kalaunan ay magagamay din ang trabaho. Mas kailangan ang creative approach sa importanteng project. Lucky color: Blue, lucky number: 40.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Mas ­ma­rami kang makukuhang benepisyo kung magmamasid sa paligid. Paghandaan mo ang malala­king taong makakaharap. Huwag manahimik kung may gustong sabihin. Lucky color: Yellow, lucky number: 34.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Habaan ang pasensya sa paghihintay dahil sa pagkakataong ito, hindi uubra ang pagmamadali. Mas malaki ang tsansang magkamali kung magpapa-pressure. Makinig sa payo ng mga kaibigan. Lucky color: Violet, lucky number: 3.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Iwasang i-take for granted ang mga tao na tunay na nagmamalasakit sa iyo. Isa sa kanila ang nanga­ngailangan naman ng iyong suporta. Pagkakataon mong makabawi. Tulungan ang taong lumalapit. Lucky color: White, lucky number: 4.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Isang pangyayari ang nangangailangan ng ibayong pagtutok para mapunta sa direks­yon na gusto mo. Hindi puwede ­ngayon ang pagsasa­walang-kibo. Kailangan ang agarang aks­yon­ para sa katahimikan ng kalooban. Lucky color: Red, lucky number: 13.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Hindi maiiwasan ang pressure sa araw na ito. Kung may kailangang tapusin, ‘wag munang magrelaks. May nagmamasid sa aktibidad mo. Kailangang magsipag. Lucky color: Orange, lucky number: 32.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Parating na ang mga resultang hini­hintay mo. Lahat ng pinaghihirapan mo ay masusuklian. Magpasalamat sa mga taong nakatulong. Kung hindi kalabisan, mas masaya na ilibre sila sa pagkain. Lucky color: Gold, lucky number: 52.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Mas malalim ang impluwensya mo kaysa iniisip mo. Mataas din ang pagtingin sa iyo ng mga taong nasa pali­gid mo. Madali nang kunin ang kanilang suporta sa mga susunod mong plano. Lucky color: Beige, Lucky number: 58.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Sa araw na ito, mapapatunayan mong tama ang aksyon at desisyon. Huwag pagdudahan ang sariling kakayahan. Ikaw lamang ang nakakaalam ng mga dapat gawin. Lucky color: Maroon, lucky number: 8.

CAPRICORN (Disyembre 22-­Enero 19) – Lahat ay nangangarap ng perpekto subalit ito ang magiging dahilan para hindi ka makuntento. Dagdagan pa ang pagsisikap. Hangga’t kaya ay iwa­san ang magreklamo. Lucky color: Brown, lucky number: 25.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Ang kailangan mo ngayon ay tiyaga at sipag. Isang sitwasyon ang masyadong sensitibo kaya maging maingat sa bawat aksyon. Huwag balewalain ang mga babala ng malalapit na kaibigan. Lucky color: Blue, lucky number: 43.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Tumingin-tingin lang sa paligid, maaaring malapit lang sa iyo ang taong magpapasigla sa araw mo. Huwag tipirin ang sarili lalo na tungkol sa iyong kalusugan. Lucky color: Green, lucky number: 19.

Ruby Rodriguez
Kaarawan:
Enero 10, 1966

Hindi masyadong lantad ang tunay na damdamin ng mga babaeng Capricorn dahil na rin sa mapapait na karanasan sa buhay. Pero sa sandaling mahanap ang taong tunay na magmamahal sa kanila, todo sila kung magmahal at handang ibigay ang ­sexual satisfaction ng kanilang ka-partner.