Abante Tonite Interactive

Horoscope 01/10/2020

376

Rod Stewart

Kaarawan:
Enero 10, 1945

Mailap siya sa u­nang pagkakataon pero kapag lubusang nang makikilala, makikita mo ang kanyang pagiging totoo. Para sa kanya ang mundo ay puno ng mga taong gustong sumaya at nais magpasaya. Mapili lang siya sa mga kaibigan dahil ayaw niyang masaktan.

CAPRICORN (Dis­yembre 22-Enero 19) – Sa aspeto ng romansa, nangingibabaw ang opsyon na makipaglapit sa isang interesting na indibidwal. Iwasan lamang na pumasok sa anumang malalim na commitment kung hindi ka pa handa. Lucky color: Silver, lucky number: 2.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Maaa­ring maagaw ang atensyon mo sa isang bagong kakilala. ‘Wag muna itong um­pisahan kung hindi mo kayang pangatawa­nan. Wala kang matatapos na gawain kung puro ka kuwento. Lucky color: Gold, lucku number: 40.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Kila­lanin ang mga naitulong sa iyo ng isang kaibigan. ‘Wag kalimu­tang tumanaw ng utang na loob. Walang mawawala kung ikaw na ang lalapit para makipag-ayos sa isang taong nakasamaan ng loob. Lucky color: Violet, lucky number: 50.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – ‘Wag pa­yagan ang ibang tao na diktahan ka sa bawat ginagawa mo. ‘Wag matakot ipaglaban ang mga opinyon dahil buhay mo ang nakasasalay sa dito. Tumuloy lang dahil ikaw ay nasa tamang direksyon. Lucky color: Maroon, lucky number: 7.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Maaari kang malagay sa posisyon kung saan inaasahan kang magbitaw ng mabigat na desis­yon. Kung hindi ka pa handa, ‘wag piliting gumawa ng hakbang na baka pagsisihan mo lang. Magtiwala sa nararamdaman at hindi ka malilihis ng direksyon. Lucky color: Yellow, lucky number: 8.

Related Posts

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – ‘Wag i-pressure ang mga tao kung hindi agad sila makumbinsi sa mga sinasabi mo. Hindi lahat ay natutuwa sa iyo. Mas lalo lang titindi ang oposisyon kung magpipilit. Magpa­kita ng positibong aksyon kung hindi uubra ang salita. Lucky color: Red, lucky number: 5.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Mara­ming hamon sa iyong daan pero ang lahat ng ito ay makakaya mong lagpasan. ‘Wag sayangin ang bawat nabubuksang oportunidad. Lakasan lamang ang loob. Abot-kamay na ang tagumpay. Lucky color: O­range, lucky number: 34.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Mahihirapan kang itago ang isang sikreto. May opsyon ka para kausapin ang taong may kinalaman dito bago ito tuluyang malantad. Mas madaling matanggap ang katotohanan kung sa iyo mismo manggaling ang senyales. Lucky color: Pink, lucky number: 40.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) –Mahirap makuha ang expectations mo kung mas­yado itong mataas. Ma­ging ang iyong partner ay nahihirapang panta­yan ito. Bigyan ng oras ang mga kaibigan na matagal nang nagyaya sa iyo. Walang taong perpekto. Lucky color: White, lucky number: 33.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Malaki ang papel ng mga tao sa paligid mo sa nagiging pananaw mo. Piliin lamang ang mga totoong kaibi­gan na alam mong hindi magdadala sa iyo sa ka­pahamakan. Lucky color: Green, lucky number: 54.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21)– Lahat ng pinaghirapan mo sa nagdaang araw ay magkakaroon ng magandang bunga. Umpisa na rin ng kaabalahan dahil sa bagong proyekto. Kung may oras, pagplanuhan na ang isang biyahe. Lucky color: Gray, lucky number: 17.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Dis­yembre 21) – May isang diskusyong puwedeng pagmulan ng gulo. Kalmadong harapin ang mga pangyayari at iwasang pairalin ang emosyon. Normal lang ang hindi pagkakaunawaan ng magkakaibigan. Iwasan lang ang pagsasalita nang hindi maganda. Luck co­lor: Green, lucky number: 40.