Abante Tonite Interactive

Horoscope 01/11/2019

404
Related Posts
Amanda Peet
(American actress)
Kaarawan:
Enero 11, 1972
May katigasan ang ulo ng mga babaeng Capricorn. Malakas ang kanilang karak­ter at hindi sila masasaway sa mga gusto ­nilang gawin. Dahil sa kanilang pagi­ging independent at ­taglay na talino, mabilis ­silang umangat sa trabaho. Kabilang sila sa mga alpha female na matindi kapag ginalit.
ARIES (Marso 21-Abril 19) – May ka­un­ting tampuhan ng kasuyo kaya wala ka sa mood. Hayaan lang na mailabas ang nakatagong galit. Dahil ito sa kawalan ng komunikasyon. Magiging malinaw ang lahat matapos ang mga paliwanag. Lucky color: Yellow, lucky number: 5.
 TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – May madadagdag sa mga responsibilidad. Mag-­biyahe para sa bagong perspektibo. Iwasang ipagpa­liban ang mga bagay na importante sa iyo. Lucky color: Brown, lucky number: 33.
 GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Isang hindi inaasahang kaganapan ang mag-uumpisa sa iyong araw. Um-attend sa group activity. Kaila­ngan itong gawin kahit na ayaw mo. Mapapa­tawad ka ng mga kaibigan dahil sa hindi tamang aksyon. Lucky color: Maroon, lucky number: 27.
CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Malamang na hindi matuloy ang planong get-­together. Kailangan ng mas matinding effort para ma­ganap ang mga gustong mangyari. Mapapagod ka ­dahil dito. Gumawa ng paraan para hindi maubos ang iyong lakas. Lucky color: Maroon, lucky number: 54.
LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Makakaramdam ng panghihina. Dahil ito sa sobrang oras na inilalagi sa trabaho. Kailangang magpalakas agad para bumalik ang sigla. Mag-relaks habang nagpapahinga. Lucky color: Yellow, lucky number: 30.
VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) –Mapapasubo sa pagbili  ng mga bagay na hindi kailangan. Walang masama dito basta’t kontrolado mo ang sarili. Hindi rin maganda ang sob­rang pagtitipid kaya’t dapat lang na matutong ­bumalanse sa paggasta. Lucky color: Orange, lucky number: 40.
LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) –Asahan ang isang bisita. Huwag agad mag-­panic kung hindi mahanap ang magandang damit. Kumalma lang at sundin ang  idinidikta ng puso. Lucky color: Violet, lucky number: 39.
SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – May impormasyon na maghahatid ng kagaangan ng kalooban. Magugulo o malilito sa umpisa pero pansamantala lang ito. Hindi naman ito bad news pero matindi ang magiging epekto nito sa iyong buhay. Lucky color: White, lucky number: 2.
SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Sa kabila ng magandang takbo ng araw, biglang may ikakagalit paggising sa umaga. Maghahatid ito ng panic. Tapusin agad ang pag-aalala para kumalma. Lucky color: Maroon, lucky number: 45.
CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Magkakaroon ng problema sa trabaho na makakaapekto sa iyong self-confidence. Huwag magpatalo. Wala sa iyong kontrol ang sitwasyon. Gawin ang lahat para manumbalik sa normal ang buhay. Lucky color: Gray, lucky number: 11.
AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) –Masusubukan ang iyong pananampalataya. Magdududa sa mga bagay na dati mong pinapaniwalaan. Isulat ang mga ideya para magkaroon ng guide sa mga gagawin. Lucky color: White, lucky number: 2.
PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Malamang na hindi mo matapos ang iyong ginagawa. Maraming istorbo kaya’t hindi maka-focus. Lumipat sa tahimik na lugar. Importanteng magawa ang tinatapos sa takdang oras at araw. Lucky color: Orange, lucky number: 33.